-- Advertisements --

Inaasahan ng Propstore auction na dadagsa ang mga bidders sa isasagawa nilang annual live auction sa Nobyembre.

Kabilang dito ang Superman costume na isinuot noon ng actor na si Christopher Reeve sa taong 1978-1987.

Mayroong 1,500 na mga gamit ang nakahilerang ibenta na aabot lahat sa $12.3 milyon.

Ilan sa mga gamit na ibebenta ay ang black gloves ng Star Wars villain na Darth Vader ganun din ang unang-editioin ng hardback copy ng “Harry Potter and the Philosopher’s Stone” noong 2001 at ang Little Nellie pilot helmet na isinuot ni Sean Connery sa James Bond film na “You Only LIve Twice” noong 1967.