-- Advertisements --
Inirekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang pagsuot ng face shield para sa partikular na alert level, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Subalit tumanggi muna si Año na magbigay ng karagdagan pang mga detalye sapagkat pending pa naman kay Pangulong Duterte ang naturang rekomendasyon.
Bukas, Nobyembre 15, inaasahan na mag-aanunsyo si Pangulong Duterte hinggil sa polisiya sa pagsusuot ng face shield.
Magugunita na sa mga nakalipas na mga araw ay hindi na nagpapatupad ng polisiya ang ilang mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield kasunod nang pagbaba ng COVID-19 cases.