Sa kabila ng ilang mga isyu sa kanyang unang season sa koponan, umaasa pa rin si Paul George na sana manatili siya ng matagal sa Los Angeles Clippers hanggang sa siya ay magretiro.
Sa kanyang unang media session para sa nalalapit na new NBA season, iginiit George na loyal naman siya sa Clippers.
“I want to retire a Clipper,” ani George.
Kung maalala napunta si George sa Clippers nang ma-trade mula sa Oklahoma City Thunder upang magsanib sila ng puwersa ni Kawhi Leonard.
Sinasabing maganda naman ang ipinakitang regular season ni George pero umani ito ng kritisismo at si Kawhi nang masilat sila sa NBA second-round series ng Denver Nuggets kahit nauna silang ubanse sa 3-1.
Ang 30-anyos na six-time All-Star ay magtatapos ang kanyang kontrata sa pagwawakas ng 2021-22 season.