-- Advertisements --

Para sa Commission on Human Rights (CHR) malaking bagay na bahagi na ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si Vice Pres. Leni Robredo.

Ayon kasi kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, tiyak na mapo-protektahan ang karapatang pantao sa ilalim ng pamumuno ni Robredo sa anti-illegal drug campaign, lalo na’t naging bokal ito kontra sa mga patayan at karahasan.

Umaasa ang komisyon na magbubunga din ang papel ni Robredo sa ICAD ng transaparency, imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings, at mga kaso ng iligal na pag-aresto.

Kung maaalala, nanindigan sa harap ng ICAD members ang bise presidente noong Biyernes laban sa madugong approach kontra illegal drugs.

Kasabay ng paglilinaw na suportado niya ang kampanya ng pamahalaan, maliban sa naging implementasyon nito.

Dahil dito, gustong makita ng CHR na mapanagot ang mga nasa likod ng illegal drug trade nang hindi nako-kompromiso ang halaga ng buhay at aspeto ng karapatang pantao.