-- Advertisements --
Nagbabala ang Houthi rebels na hindi nila palalagpasin ang anumang gagawing hindi maganda ng US sa Yemen.
Sinabi ni Houthi leader Abdul Malik Al-Houthi , na mas lalo nilang palalakasin ang kanilang atake sa Israel at mga barko na dumadaan sa Red Sea.
Binatikos din nito ang US at UK dahil sa suporta nila sa Israel.
Magugunitang nagpasa ng resolution ang United Nation Security Council na nag-uutos sa mga Houthi rebels na tigilan na ang pag-atake nila sa mga dumadaan na barko sa Red Sea.