Hindi pabor si House Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa naging rekumendasyon ng International Monetary Fund (IMF) na ibaling ng gobyerno ang pagbubuwis sa mga luxury taxation ng mga sasakyan dahil magreresulta ito sa pagbubuwis sa mga public utility jeepneys (PUJs).
Ayon kay Salceda mas pakatututukan ng House tax panel ang mga panukalang buwis na itinuturing na progresibo at gagawing mas mahusay ang sistema ng pagbubuwis sa bansa.
Iminungkahi ni Salceda na i-update ang mga rate ng mga buwis sa mga gumagamit ng sasakyang de-motor batay sa kabuuang bigat ng sasakyan, dahil ito rin ang tumutukoy sa panlabas na pinsala at pagsisikip ng kalsada.
Punto ni Salceda na mas bibigyang pokus ng House tax panel sa mga “avoidable or substitutable consumption” imbes na sa pagbubuwis sa mga lumang sasakyan gaya ng mga public utility jeepneys, iba pang mga goods and services na tinatangkilik ng ating mga mahihirap nating mga kababayan.
Sinabi ng economist-solon na hindi niya magawang i-justify ang pagbubuwis sa low-emission luxury car lalo na sa mga Filipino commuter at maging sa mga PUJ driver.
Pag-aaralan din ng House tax panel ang recommendation ng IMF na ibaling mula sa luxury-based system of taxing automobiles patungo sa emissions-based system.
Sumangguni naman si Salceda sa rekumendasyon ng IMF na i pokus ang mga panukalang buwis na mayruong mataas na revenue gains.
Umaasa naman ang mambabatas na pagtibayin na ang panukalang Ease of Paying Taxes Act sa second quarter ng 2023.










