-- Advertisements --

Ipinunto ni House spokesperson Atty. Princess Abante na mahalagang masimulan na ang paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte upang malaman ang magiging susunod na hakbang ng House prosecutors.

Tinukoy din ng House official ang impeachment rules na maaaring pagbasehan sa pagsisilbi o pagpapaalam sa akusado sakaling simulan na ang impeachment trial.

Ito ang naging tugon ng House official kasunod ng kumpirmasyon ng Office of the President (OVP) na pag-alis ng Bise President sa bansa para sa personal trip kasama ang kaniyang pamilya patungong Malaysia.

Ayon sa OVP, nakatakda ring dumalo si VP Sara sa pag-obserba ng Independence day sa Hunyo 12 sa Kuala Lumpur at nakatakdang makipagkita sa mga OFWs sa kaniyang pagbisita doon.

Ang pagbiyahe naman ng Bise President ay sa gitna ng nakaambang pagsisimula ng paglilitis sa kaniyang impeachment case sa Senado na inaasahang magco-convene bilang impeachment court bukas, June 11.