Ikinatuwa ng mga lider ng Kamara ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey kung saan nakakuha ng mataas na trust at approval rating si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Majority Leader Martin Romualdez na ito ang unang pagkakataon na mapasama si Cayetano sa Ulat sa Bayan survey ng Pusle Asia.
Ang mataas na trust at approval rating aniya ng lider ng Kamara ay magsisilbing inspirasyon sa kanila na pag-ibayuhin pa ang pagtrabaho sa Kamara.
Para naman kay Deputy Speaker Raneo Abu, nagpapakita lamang ang survey ng pagkilala ng publiko sa ginagawa ng liderato ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.
Iginiit ni Abu na katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte, “primary focus” ng Kamara ay mapaglingkuran at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang sambayanang Pilipino.