-- Advertisements --
image 18

Nag-debut ang Spice girl member na si Victoria Beckham sa Parish fashion week kung saan, kasama niya ang ilan pang mga modelo.

Matatandaan na dalawang taon nang wala sa catwalk ang hollywood artist ngunit inaasahan pa rin ang pagsali umano nito sa mga prestigious fashion calendar.

Ipinadala niya ang superstar model na si Bella Hadid na nakasuot ng eleganteng berdeng damit na may mahabang latex gloves, habang ang kanyang kapatid ay nakasuot ng itim na trouser suit.

Si Beckham mismo ay hindi lumabas sa catwalk sa pagtatapos ng palabas gaya ng karaniwan sa fashion week.

Sa halip, nakipaghalubilo siya sa mga tao pagkatapos sa courtyard ng venue, ang Val-de-Grace abbey, sa braso ng kanyang asawang na si David Beckham.

Kung saan kama-kailan lang ay kumalat ang isyu ng hiwalayan ng dalawa.(report from Bombo Chill Emprido)