-- Advertisements --
Binisita ni Hollywood actor Angelina Jolie ang mga sundalo ng Ukraine.
Nakausap niya ang mga medical staff, volunteers at mga sibilyan na nasa Kherson City.
Hinangaan nito ang tapang ng mga nasa Mykolaiv at Kherson dahil sa nasa panganib ang kanilang buhay ay tuloy pa rin ang kanilang pakikipaglaban.
Nakasuot ng flak jacket ang aktres at nakapulong niya ang mga bata na inilagay sa basement dahil sa patuloy na kaguluhan.
Magugunitang noong 2022 ng unang bumisita ang aktres sa Lviv City at nakausap ang mga tao na nawalan ng tirahan dahil a kaguluhan.
















