-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Robert Blake sa edad 89.

Ayon sa pamangkin nito na si Noreen Austin na inatake sa puso ang actor habang ito ay nasa kaniyang bahay.

Nakilala ang actor sa pagbida sa mga TV series “Baretta: noong 1970 at sa pelikulang “Lost Highway”.

Kinasuhan siya ng pagpatay sa kaniyang asawa subalit ito ay nabasura.

Nagsimula ang kaniyang career noong 1930 kung saan bumida rin sa mga pelikula gaya ng “The Treasure of the Sierra Madre” at “True Blood”.

Kinilala bilang pinakamagaling na actor sa kaniyang panahon subalit natanggal ang pagkilala noong siya ay naaresto.