-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si James Caan sa edad 82.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo subalit hindi na sila nagbigay pa ang anumang ibang detalye ng kaniyang kamatayan.

Humingi rin nang paggalang ang pamilya nito dahil sa nais nilang maging pribado ang mga detalye ng burol ng actor.

Sumikat ang actor noong 1972 sa pelikulang “The Godfather”.

Dahil sa nasabing pelikula ay naging nominado ito bilang Best Supporting Actor ng Oscars at Golden Globe.

Lumabas din ito sa iba’t-ibang pelikula gaya ng “Misery”, “Dick Tracy” at “Elf”.

Anak siya ng Jewish immigrants mula sa Germany.