-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa bansa ang Hollywood actor na si Chris Hemsworth sa susunod buwan.

Ayon sa actor na ang pagtungo niya sa Pilipinas ay para sa promosyon ng kaniyang Netflix movie na “Extraction 2”.

Sa inilabas nitong video message ay inimbitahan niya ang mga Pinoy fans na samahan siya sa nasabing kasiyahan.

Nagpahayag din ang actor ng kasabikan na makarating sa bansa at makita ang mga Pinoy fans.