
Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni dating Quezon city Mayor Herbert Bautista na i-dismiss ang kasong graft laban sa kaniya dahil umano sa haba ng panahon bago siya kinasuhan ng prosekusyon sa anti-graft court.
Sa 15 pahinang resolusyon, ipinaliwanag ng Sandiganbayan Seventh Division na nakasagabal sa pagsuri ng pagiging sufficiency ng impormasyon para kasong katiwalian laban kay Bautista.
Ikinadismaya din ni Bautista ang umano’y paglabag sa kaniyang constitutional right para sa mabilis na disposisyon ng kaniyang kaso kung saan ang reklamo laban sa kaniya ay inihain noon pang Disyembre 13, 2019 subalit inabot ng tatlong taon para matapos ang preliminary investigation at naihain lamang ang kaso nitong Marso 15 ng kaslaukuyang taon.
Kung kayat umaasa aniya ito na maibabasura ang kaso dahil sa labis na pagkaantala nito na lumabag sa kaniyang constitutional right para sa mas mabilis na disposisyon ng kaso.
Subalit ayon sa anti-graft court, ang naturang usapin na idinulog ng akusado ay panlabas na isyu na hindi maikokonsidera sa pagsuri sa kasapatan ng mga alegasyon.
Iginiit din ng korte na ang isa sa significant factor ng pagkaantala ng kaso ni Bautista ay dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic kung saan ipinatupad ang quarantine noong Marso 12, 2020 kung saan ibinibigay ang Judicial nitoce sa mga ganitong pandaigdigang phenomenon.
Magugunita na kinasuhan si Bautista kasama si dating City Administrator Aldrin Cuña dahil umano sa pagbabayad ng mahigit P32 million sa Geodata Solutions Inc. para sa pagbili ng occupational permitting at tracking system sa kabila ng katiwalian ng ordinansa na dapat ay pinagtibay ng Sangguniang Panglungsod.
Ang ikalawang graft naman na kinakaharap ni Bautista ay ang pagbabayad nito ng buo sa P25.342 million sa isa pang kompaniya para sa pagkakabit ng solar power system at waterproofing works para sa civic center building.










