-- Advertisements --
Humihingi pa ng mga dagdag na data ang Department of Trade and Industry (DTI) sa PhilBaking industry kaugnay ng hirit nilang taasan ng P4 ang presyo ng isang balot na pandesal.
Sinabi ni Trade Usec. Ruth Castello na ito ay para mas kumpleto ang impormasyon at masiguro ang magiging desisyon nila kung sakali.
Ayon kay castello, malaki kasi ang impact ng naturang halaga bilang dagdag presyo para sa mga consumer.
Kaya naman, sa ngayon aniya ay pinag aaralan pa nilang mabuti kung makatwiran ang hirit na dagdag presyo para sa Pinoy pandesal.
Hindi pa masabi ng opisyal kung kailan mailalabas ang pasya ng kanilang ahensya hinggil sa nasabing kahilingan.