Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Trade and Industry (DTI) na protektahan ang mga manggagawa ng Business Process Outsourcing (BPO) na maaaring maapektuhan ng automation sa industriya bunsod ng paglala ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) chatbots.
Ayon sa US-bases na kumpanyang Gartner, maaring makatipid ang mga call center ng hanggang $80 bilyon kung papalitan na lang ng mga chatbot ang mga tao pagdating ng 2026. Dahil na rin sa krisis sa loob ng global tech giants, mas lalo pang tumaas ang paggamit ng AI sa iba’t-ibang paraan.
Kumikita ng humigit-kumulang $30 bilyon taun-taon ang industriya ng BPO ng Pilipinas— halos kapareho ng mga OFW.
Binigyang-diin rin ng senador na ang BPO earnings ay isa sa tatlong sangkap tungo sa pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa, kasama ang turismo at kita ng ating mga OFWs.
Sinabi rin ng senador na habang naghahanda para sa kinabukasan ng AI sa bansa, dapat sabay-sabay na magkaroon ng mas malakas na kampanya ang DTI para protektahan ang industriya at mga manggagawa nito.
Naniniwala ang Senador na may pagbabago na pagdating sa “battle for talent” ng local IT-BPO industry. Ngunit nagbabala siya na kailangang tiyakin ng DTI at DICT ang patuloy na pagpapabuti ng connectivity sa bansa, lalo na para sa nasa “work-anywhere model.










