LAOAG CITY – Hindi umano agad inihayag ng mga opisyal sa Vienna, Austria na isang terror attack sa naturang bansa.
Ito ang sinabi sa Bombo Radyo Laoag ni Bombo International News Correspondent John Ruffin, tubo sa bayan ng Solsona dito sa lalawigan at naninirahan na sa Vienna, Austria.
Ayon kay Ruffin, ang unang report umano ng mga opisyal ay pag-aamok lamang para hindi magpanic ang publiko.
Nangyari umano pangaatake bandang alas-otso ng gabi sa mismong city center ng Vienna at alas-onse na nang sinabi ng mga opisyal na isa itong terror attack.
Nabatid na ang pinangyarihan ng panagatake ay maraming mga tao at isinagawa ito ng mga suspek, ilang oras bago ihayag ng pamahalaan ang bagong lockdown restrictions.
Sa ngayon ay hindi pa makumpirma ang eksaktong bilang ng mga namatay ngunit sinabing isa sa mga patay ay ang suspek habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nito.