
Hanggang sa ngayon patuloy pa ring pinag aaralan ng Philippine government kung tatanggapin ang hiling ng US na panatilihin sa bansa ang mga Afghan nationals.
Sa isang panayam sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na patuloy nitong kinukunsulta ang Amerika hinggil sa kanilang hiling na i-host ng Pilipinas ang mga Afghan nationals.
Sinabi ng Pangulo na walang deadline na itinakda hinggil sa nasabing usapin.
Giit ng chief executive, napaka sensitibo at kumplikado ang nasabing usapin dahil may halo itong pulitika at isyu din sa seguridad.
Aniya, dapat mabatid din ang mga posibleng problema na kaharapin na siyang dahilan na hinahanapan nila ito ng solusyon.
Sabi ng Pangulo may progreso na subalit may mga major obstacles kaya hindi pa makapag desisyon ang pamahalaan.
Binigyang-diin ng Pangulo na nakahanda naman ang Pilipinas na tumulong lalo at ugali ng mga Pinoy ang pagiging hospitable.
Pero ang nasabing usapin ay dapat mapag isipan ng mabuti.










