
Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa ilang mga transport group na idaan sa tamang proseso ang hiling na dagdag pasahe sa mga public utilty jeepney.
Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilang mga transport group na dagdagan ng Php2.00 ang pamasahe sa mga pampublikong jeepney sa buong bansa nang dahil pa rin patuloy na nararanasang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.
Ayon kay LTFRB chair Teofilo Guadiz III, bukas ang kanilang tanggapan sa pagkokonsidera sa pagpapatupad ng fare hike nang dahil sunud-sunod na oil price hike ngunit kinakailangang idaan ng mga transport group ang kanilang kahilingan sa tama at mas naaangkop na proseso na alinsunod sa Public Service Act. sa pamamagitan ng paghahain ng pormal na petisyon sa loob ng limang araw.
Ngunit gayunpaman ay kinakailangan din nilang balansehin ang epekto nityo sa mga consumer.
Bukod dito ay ipinaliwanag din niya na sasailalim pa rin sa mga kaukulang pagsusuri at validation ng ng iba pang economic agencies ng pamahalaan tulad ng National Economic and Development Authority ang naturang petisyon pagkatapos aralin ng LTFRB.










