Higit 9-milyon piso ang halaga ng mga nasira dahil sa Bagyo Florita
Unread post by bombolaoag » Thu Aug 25, 2022 7:43 am
LAOAG CITY – Umabot na Sa mahigit 9-milyong halaga ang mga nasira sa paghagupit Ng bagyong Florida dito Sa lalawigan Ng Ilocos Norte.
Ayon Kay Mr. Marcel Tabije Ng PDRRMO dito sa Ilocos Norte, sa imprastraktura ay umabot Sa 5.5 a milyong halaga ng mga nasira kung saan kasama na rito ang tulay at provincial roads.
Sa sektor naman ng agrikultura ay umabot sa 3.5 milyong piso ang inisyal na halaga Ng mga nasira Kung Saan 2.2 dito ay mga pananim na Palay Sa bayan Ng Bacarra habang Sa bayan Ng Pinili ay high value crops na nagkakahalaga Ng 45 libong piso at 500 libong piso ang agri-Infra.
Dagdag niya na sa livestock ay umabot sa 200 libong piso ang nasira Kung Saan karamihan dito ay Mula Sa lungsod ng Batac, pangalawa Sa bayan Ng Burgos, Marcos at Pinili.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang assessment ng PDRRMO para malaman ang kabuuang halaga ng mga nasira dito sa lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyo.
Samantala, nakabalik na rin sa kanilang tahanan ang mga residenteng inilikas sa kasagsagan ng bagyo partikular sa bayan ng Badoc.