-- Advertisements --

danao

Aabot sa mahigit P81 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP at PDEA sa may bahagi ng Barangay Maysan, Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Chief of Police, PCol. Ramchrisen Havera, matagal na nila minamanmanan ang mga suspek sa kanilang iligal na aktibidad.
Kinilala ni Havera ang mga naarestong suspek na sina Joseph Villamor, Algie Mingote at Nolan Sarlego.
Nakumpiska sa kanilang posisyon ang nasa 12 kilo ng hinihinalaang shabu na may market value na mahigit P81 million.
Pinapurihan naman ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr., ang Valenzuela PNP, NCRPO -SAU at PDEA sa matagumpay na operasyon.
Sinabi ni Danao na masuwerte na hindi nanlaban ang mga suspek dahil sa malinaw na may kalalagyan ang mga ito.
Binigyang-diin ni PNP OIC chief na hindi sila titigil hanggat hindi nauubos ang illegal drug trade sa bansa.