-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa P7.1 million halaga ng iligal na droga at mga drug paraphernalia ang sinunog ng PDEA sa Balay Silangan sa Sito Magay, Barangay Don Martin Marundan Mati City.

Sa naturang halaga, P5.4 million dito ang samu’t saring iligal na droga habang P1.7 million naman ang halaga ng mga sinunog na marijuana.

Ang mga ito ay nakumpiska sa mga isinagawang operasyon sa Davao Region.

Layunin ng nasabing hakbang nga hindi ma-recycle ang mga illegal drugs at manatili ang transparency sa gobyerno.

Nanguna sa nasabing aktibidad si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Aileen Lovitos, Governor Nelson L. Dayanghirang at iba pang ahensya ng pamahalaan sa Davao region.