-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng pamunuan Bureau of Jail Management and Penology-XI kung sino ang responsable sa pagtapon ng illegal na druga papasok sa nasabing pasilidad.

Una nang napag-alaman na nasa higit P500,000 ang halaga ng iligal na druga ang narekober mula sa mga personahe ng Bureau of Jail Management and Penology-XI sa Davao City Jail compound sa Maa nitong lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, ipinasok umano ang mga illegal na druga sa isang bola at nilagyan ng electrical tape.

Ngunit nabigo umano ito matapos na masabit sa net.

Sinasabing laman nito ang anim na malalaking pakete ng iligal na druga.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency-XI ang narekober na mga kontrabando para isailalim sa eksaminasyon.