-- Advertisements --

NAGA CITY- Nasamsam ang nasa higit P300-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operations ng mga otoridad laban sa dalawang drug personality sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Orly, 47-anyos asin si Alyas Wen, 50-anyos, parehong residente ng Brgy. Malabanban Sur, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang posuer buyer sa nasabing mga suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga gamit ang P2,000 bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na maliban dito, nakumpiska pa kay Alyas Wen at Alyas Orly ang sampung piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalaang shabu.

Sa pangkabuuan, ang nasabing mga iligal na droga ang mayroong bigat na umaabot sa 15.7 grams at nagkakahalaga ng nasa nasa mahigit kumulang P320,280.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang naturang mga suspek para sa karampatang disposisyon.