-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot sa higit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tagumpay na drug-buy bust operation sa Sitio Uno, Barangay 16, bayan ng San Nicolas.

Ang nasabing operasyon ay naisagawa sa pamamagitan ng nagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Drug Enforcement Unit at PNP-San Nicolas.

Nakilala ang mismong subject ng operasyon na si John Mark Dinong, 33-anyos, may live-in partner, truck driver at residente ng Barangay Baliweg, Banna at ang kasama nito sa apartment na si Clifford Malana y Furaganan, 45-anyos, may asawa, pintor at tubo ng Aparri, Cagayan ngunit kasalukuyang naangungupahan sa Barangay 16, San Nicolas.

Nakumpiska mula sa mga ito ang iligal na droga na may bigat na 500 gramo, isang kalibre 45 a nab aril at mayroong 16 na bala kasama ng dalawang magazine at ibang mga drug paraphernalia.

Maliban sa mga ito, nakumpiska pa mula kay Dinong ang isang sachet ng hinihinalang shabu na siyang ibinenta nito sa isang police pusuer buyer, dalawang libong piso na buy-bust money maliban sa isa pang sachet ng hinihinalang iligal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Dinong na tinawagan ito ng anak ni ni Malina na kanyang barkda upang bigyan ng pagkain ito dahil bago lamang sila sa kanilang apartment.

Aniya, sinunod niya ito at wala siyang alam sa mga nakumpiskang iligal na droga at matagal ng huminto sa iligal na aktibidad.

Nalaman na si Dinong ay dalawang beses ng naaresto dahil sa iligal na droga at lumalabas na isa itong High Value Individual.

Samantala, sinabi ni Police Senior Master Sergeant Marcelino Corpuz Jr., team leader na halos isang linggo na nagmanman ang mga otoridad sa kilos ng mga suspek.

Aniya, base sa kanilang monitoring ay sa mismong apartment nangyayari ang mga iligal na aktibidad.