Arestado ang apat na drug suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite.
Pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Cavite Provincial Police Office ang nasabing operasyon.
Ikinasa ang operasyon sa may bahagi ng B-50 Excess Lot, Barangay Datu Esmael, Dasmarinas City.
Kinilala ni PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang mga nahuli na sina Samsia Dicampong, Sarabanon Untong, Asimah Untong at Suwaib Mohammad.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 170 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P1.1 milyong piso at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni General Danao ang walang patid na pagsisikap ng Southern Luzon Police sa kampanya laban sa ilegal na droga at high-value drug personalities.