-- Advertisements --
Mula sa 9,595 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Palaspas na 9,475 ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 721,892 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Ito na ang pangatlong sunod na araw na pumalo sa mahigit 9,000 ang bagong kaso ng COVID.
Iinulat din ng DOH ang 22,000 na bagong recoveries kung saan nasa 603,154 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 13,170 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 11.