Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight.
Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.
Noong nakaraang linggo lang, 575,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 jabs na binili ng private sector ang dumating din sa Pilipinas.
Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 46 million COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng bansa magmula noong Pebrero.
Mahigit 12.8 million inidbidwal naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang noong Agosto 18, at halos 30 million doses naman ang naituturok na.
Ngayong araw, inaasahan din ng bansa ang pagdating ng 749,200 pang Sinopharm COVID-19 vaccine doses na donasyon naman ng Chinese government.