-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng sunod-sunod na volcanic earthquake ang Bulkan Bulusan sa Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) resident volcanologist na si Paul Alanis, nasa 53 na ang pagyanig mula noong Hulyo 3 sa nasabing bulkan at asahan na patuloy pa itong tataas.

Inanunsyo rin ni Alanis na itinaas sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan matapos ibaba sa Alert Level 0 dahil sa mga naitatalang pagyanig at sa posibleng pamamaga rin ng bunganga nito.

Patuloy din ang pagbabantay ng mga eksperto para sa posibleng aktibidad ng Bulkan subalit wala pa naman umanong nade-detect na abnormality sa bunganga nito.

Mahigpit pa ring paalala ni Alanis na iwasan ang pagpasok sa 4km danger zone at extended danger zone sa palibot ng Mt. Bulusan dahil hindi tinatanggal ang panganib sa posibleng banta phreatic eruption