-- Advertisements --
Kabuuang 12,237 pamilya o mahigit 45,000 katao ang lumikas na dahil sa Bagyong Odette.
Ang mga lumikas na indidwal ay mula sa Caraga at Eastern Visayas, na siyang higit na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Dahil sa masamang lagay ng panahon, aabot sa halos 3,900 pasahero naman ang stranded sa Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas at Caraga.
Nabatid mula sa Pagasa na patuloy na lumalakas ang Bagyong Odette habang ito ay hindi pa nakakapag-landfall.
Kaya naman binabantayan nila ang posibilidad na magkaroon pa ng Storm Signal No. 4 sa ilang lugar malapit at sa imediate path ng Bagyong Odette.










