-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Dr. Jose Chan, hospital director ng Northern Mindanao Medical Center na isinailalim nila sa 14 days quarantine ang kanilang doctor at nurses na na-exposed kay patient no. 40 na unang namatay dahil sa COVID-19.

Sa inilunsad na press conference ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), umapela si Dr. Chan sa publiko na huwag nang ungkatin ang lokasyon o kung saan inilagay ang mga medical doctors upang hindi na madagdagan ang kanilang iniindang diskriminasyon.

Una rito, inireport ni Chan na may mga nurses silang hindi hinihintuan ng taxi at kung sasakay sa bus ay halos walang tumatabi.

Sinisiguro naman ni Chan na nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga medical workers.

Dahil sa kakulangan ng work force, dose oras na nagtratrabaho ang bawat teams ng Northern Mindanao Medical Center kung saan kung saan nahahati ito sa tatlong shift.

Sa ngayon pumalo na sa 208 ang person under investigation sa Northern Mindanao habang nasa 3,129 naman ang person under monitoring na nasa pangangalaga ng mga LGUs ng naturang rehiyon.