-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police ng kabuuang 3,616 na indibidwal na lumabag sa ipinatupad na election gun ban kasabay ng nakalipas na panahon ng halalan sa bansa.

Ang datos na ito ng PNP ay naitala mula Enero 12 hanggang Hunyo 11 ng taong ito.

Inulat rin ng pulisya ang aabot sa 3,702 armas na kanilang nakumpiska sa loob ng naturang panahon.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Philippine National Police na naging mapayapa ang kalahatan ng 2025 midterm National and Local Elections ngayong taon.

Batay naman sa datos ng National Election Monitoring Action Center, nagsagawa ang PNP ng kabuuang 998,679 election checkpoints sa buong bansa na nagresulta sa pagkaka-aresto ng nasa 265 na indibidwal.

Nagresulta rin ito sa pagkakaharang ng 1,879 indibidwal , 556 na indibidwal ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operations, 229 mula sa gun buy-busts, 686 mula sa iba pang law enforcement operations at isa dahil sa internal security operation sa Bicol Region.

Tiniyak naman ng bagong pamunuan ng PNP na patuloy na magbabantay ang kanilang hanay sa lahat ng bahagi ng bansa para matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino