Inihahanda na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nasa 3,500 na mga relief packs para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa probinsya ng Cagayan.
Base sa impormasyon, kalahati ng mga relief packs ay ipamamahagi sa mga bayan ng Baguey at Baggao. Ang natitirang relief packs naman ay ibibigay sa mga apektadong residnete sa bayan ng Alcala, Amulung at Iguig simula ngayong araw.
Kung maaalala, dahil sa lakas ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ay umapaw ang Cagayan River na naging sanhi naman ng pagkalubog sa tubig ng ilang barangay sa naturang probinsya.
Itinuturing ngayon ito bilang pinakamalalang pagbaha na naranasan sa Cagayan province sa loob ng 40 taon. Libo-libong residente mula sa 14 na barangas sa Baguey at 40 barangay sa Baggap ang labis na naapektuhan.
Ang naturang 3,500 second trance ng relief packs ay hindi pa kasama sa naunang 2,500 relief packs na ibinahagi sa mga residente naman ng Enrile at Solana sa Tuguegarao City.
Parte umano ang relief assistance na ito sa nakolektang charity funds mula sa PCSO lotto, keno, small town lottery at iba pa.
Nagpapakita lamang din daw ito kung gaano kahalaga ang suporta na natatanggap ng PCSO mula sa publiko at gayundin ang mga tumataya sa lotto.










