-- Advertisements --

Mahigit 300 Pilipino mula sa ibang bansa ang natulungan ng pamahalaan na makauwi ng Pilipinas bago ang araw ng Pasko.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa 384 evacuated Filipinos mula sa iba’t ibang bansa, 273 rito, kabilang na ang isang medical workers, ay nanggaling sa Korea, 23 ang mula Malaysia, lima ang stranded sa China, at 83 naman ang mula sa Tokyo.

Hanggang noong Disyembre 22, sinabi ng DFA na aabot na sa 13,320 overseas Filipinos ang kanilang natulungan na umuwi ng Pilipinas isang linggo bago ang araw ng Pasko.

Ang kabuuang bilang ng mga repatriated na overseas Filipinos na sa ngayon ay papalo na sa 314,158.

Sinabi ng DFA, ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang repatriation efforts para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic sa iba’t ibang panig ng mundo, na kanilang sinimulan noong pang Pebrero 2020.