-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nasa 313 overseas Filipino workers (OFWs) sa Cambodia ang isinailalim sa repatriation program ng pamahalaan.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Joel Fas-ayen Kewan, Pinoy teacher sa Cambodia na tubong Pinsao Proper, Baguio City, sinabi niyang dalawang batch ang pag-uwi ng naturang OFWs.

Naunang umuwi dito sa Pilipinas ang 167 OFWs noong April 18 at sumunod naman ang 146 na iba pa noong Mayo 28.

Ipinaliwanag niyang naapektuhan ang mga umuwing OFWs sa pagsasara ng mga casino, factory at iba pang negosyo sa Cambodia bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kaugnay nito ay sinabi pa ni Kewan na aktibo ang Filipino community sa Cambodia na tumutulong sa mga kababayang naapektuhan sa COVID-19 crisis.