-- Advertisements --
230 magsasaka sa Calabarzon na benepisyaryo ng agrarian reform program ang pinagkalooban ng 267 individual at electronic land titles at certificates of land ownership award mula sa Department of Agrarian Reform.
Saklaw nito ang 241.8 ektaryang lupain na matatagpuan sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon I, at Quezon II.
Ayon kay DAR Usec for Policy, Planning and Research Office, Luis Meinrado Pañgulayan, ang 186 e-titles ay ibinigay sa 157 ARBs sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT ng ahensya.
Ito raw ay para palakasin ang seguridad sa panunungkulan at karapatan sa ari-arian sa mga lupain ng ARBs