-- Advertisements --
Taal Volcano PHIVOLCS NDRRMC

Kabuuang 164 volcanic earthquakes at 67 tremors ang naitala sa Taal Volcano sa loob lamang ng 24 oras.

Sa ngayon, nakataas pa rin sa naturang bulkan ang Alert Level 2.

Sa latest bulletin ng Phivolcs, ang volcanic activities daw ay nagtagal ng isa hanggang dalawang minuto mula sa tatlong hybrid events.

Ang pinakahuling record ng volcanic earthquakes ay na-triple mula sa 55 na pagyanig at 44 tremors kahapon.

Naobserbahan din ang pagbuga ng mahinang steam-laden plumes na may taas na 20 metro sa main crater.

Sa ngayon nasa 605 tons ng sulfur dioxide ang lumabas sa bulkan.