-- Advertisements --

Higit 15 Immigration officers at security guard sa BI facility sa Camp sa Taguig, sinibak sa pwesto (loop: bi / ncrpo)

Sinibak sa pwesto ang mahigit 15 immigration officers at security guards na nakatalaga sa Bureau of Immigration Detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon sa isang BI official na tumangging magpabanggit ng pangalan ,ang pagkakasibak sa naturang BI officers ay kasunod ng nangyaring raid ng Bureau of Immigration at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nasabing pasilidad kung saan nakuha ang ibat ibang uri ng kontrabando.

Kabilang dito ang gadgets at kalahating million pesos na cash na pag-aari ng mga dayuhang nakakulong sa pasilidad.

Epektibo anya ngayong araw ay hindi na pinagduduty sa BI facility sa Camp Bagong Diwa ang mga sinibak na immigration Officers.