-- Advertisements --
CEBU CITY – Mahigit sa 100 katao ang na-stranded sa Angasil Port ng Mactan, Lapu-Lapu City na patungo sana sa Olango Island.
Kaugnay nito, binisita ni Mayor Junard Chan at dinalhan ng pananghalian ang mga stranded passengers na kinabibilangan ng mga bata at matatandang kababaihan.
Magbibigay din umano ang pamahalaan ng lungsod ng meryenda at hapunan sa mga naiwang pasahero at kung ano pang mga kakailanganin nila.
Pinahintulutan na rin na sa port matulog ang mga walang kamag-anak sa lungsod.
Gayunman, hinikayat din niya na kahit ang mga may mga kaanak sa lungsod na doon na magpalipas ng gabi dahil sigurado naman daw na hindi na muna sila makakapaglayag ngayong gabi dahil sa malalaking alon.