-- Advertisements --

Maganda ang nagiging takbo ng operasyon ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año, kahapon nasa 50 buildings pa ang nadagdag na nabawi ng mga sundalo kabilang ang isang mataas na building.

Giit ni Año na malaking factor ang pagkarekober sa isa sa mataas na gusali dahil nawalan na ng advantage point ang teroristang grupo.

Pahayag ng chief of staff, isang final push na lamang ang kailangan ng militar para tuluyang ma-clear ang buong Marawi City.

Una rito, noong Linggo iniulat ng AFP na nasa 60 gusali na pinostehan o hawak ng mga teroristang Maute ang kanilang na-clear.

“We’ll have one final push to really break their line and finally clear the whole area of Marawi. Less than one square kilometer yung area na pinaglalabanan natin but we cannot neglect or bypass building, its fatal and dangerous to our soldiers and to the trapped civilians,” wika ni Año.

Sa ngayon kaunti na lamang ang mga building na kailangan bawiin ng militar.

Samantala, kinumpirma din ni Año na walong terorista ang nasawi sa labanan noong Linggo habang dalawa naman sa panig ng militar.