Naitala ang pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong July 22, hanggang Sept. 10, kung saan umabot sa 247 kongresista ang pumasok para sa kabuuang 18 session days.
Ang mataas na numero ng dumalo ay unang pagkakataon, historic at pruweba umano ng determinasyon at pagiging makabayan ng ating mga mambabatas sa pangunguna at pag-gabay ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang batikan na mambabatas na nahalal na Majority Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
“I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance of our colleagues reflects their discipline, hard work, deep passion and great interest to serve the people and enact priority laws that will give them a safe and comfortable life,” wika ni Gonzales.
Saad pa ni Gonzales na kabila ng maraming holidays nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho sa halip na magbakasyon ng mahabang araw na walang pasok.
Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong August 13, ang araw kung saan ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong August 27, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day.
Sa matibay na presensya ng majority ng mga kongresista, nagawa ng House na talakayin ng mahusay ang budget briefings para sa General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations. Dahil dito ay nabigyang daan ang mga hearing sa na ginawa sa maiksing panahon, na nagresulta sa pag-pasa ng tatlong pinaka-aabangang priority measures sa pangatlo at huling pagbasa. Ang House din ay nakatakdang lagpasan ang sarili nitong itinakdang deadline para sa pag-pasa ng GAB bago pa mang ang recess ng Kongreso sa October 4.
Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Cayetano sa malakas at maayos na pamamahala nito kung saan nailagay sa ayos ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabiis ang pagkamit ng legislative agenda at mga prayoridad.
“Speaker Cayetano is a working Speaker, administratively and legislatively. He is very hands on. He makes sure that all committees, especially the important and big ones, are handled by qualified House Members. He can’t be influenced by a recommendation simply because of party entitlement,” wika ni Gonzales.