-- Advertisements --

LAOAG CITY – Matagumpay na naaresto ng mga kawani ng PNP-Laoag, PDEU, INPPO, PDEA at NPO ang isang high value drug personality sa drug buy-bust operation sa Barangay 50, Buttong, Laoag.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Mr. Ferdinand John Dagupion, 22-anyos, lineman ng PLDT Company at residente ng Barangay Garreta, Badoc.

Agad na inaresto ng mga otoridad si Dagupion matapos magbenta ng isang sachet ng napatuyong dahon ng marijuana at nagkakahalaga ng isang libong piso sa isang pulis na nagsilbing poseur-buyer.

Maliban sa isang sachet na hinihinalang ibinenta ni Dagupion ksasamag nakumpiska mula sa shoulder bag nito ang isang sachet ng marijuana, isang ziplock na naglalaman ng napatuyong dahon ng marijuana, isang a kalibre 45 na baril, isang bala at P2,000 na pera nito kasama ang cellphone.

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo kay Dagupion, dakong alas-siete ng gabi ng matapos ito sa trabaho at kumain sa isang talipapa bago ang kanyang pag-uwi ngunit hinuli ng mga otoridad.

Inamin nito na dati itong gumagamit ng marijuana ngunit hindi araw-araw at binibili online.

Samantala, sa pangalawang beses na pagtatanong ng team, inilahad ng Dagupion na kailanman ay hindi siya gumamit ng iligal na droga.

Iginiit pa nito na hindi niya pag-aari ang baril na nakuha sa kanyang shoulder bag.

Ayon sa PDEU, kabilang si Dagupion sa druglist ng Provincial Level.