-- Advertisements --

ILOILO – Desidido ang Local Government Unit ng Ajuy, Iloilo na ituloy ang moto propio investigation laban sa isang high school teacher na nagpalabas umano ng malaswang pelikula sa kanyang mga estudyante.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Sangguniang Bayan Member Angel Briones na kanilang isasailalim sa masusing imbestigasyon ang kontrobersyal na film showing activity na isinagawa ng nasabing guro sa dalawang sections ng Grade 10 students ng Pili National High School.

Ayon kay Briones, siya mismo ay nakapanood ng nasabing malaswang pelikula ngunit duda nito, maaaring na-edit na ito ng guro.

Sinabi pa ni Briones na makikita sa film na may nakahubad at may nangyayaring sexual activity ang mga character.

Dumipensa naman ang guro na bahagi lang ito ng sex education sa mga estudyante.

Dahil dito, nagpadala na rin ng sulat si Mayor Jett Rojas ng Ajuy sa schools division superintendent hinggil sa nangyaring film showing.

Sa Lunes,nakatakda namang ipatawag ng Sangguniang Bayan ang guro upang humarap sa mga opisyal ng bayan at makapagpaliwanag.