-- Advertisements --
K9 DOG AL BAGHDADI

Mainit na sinalubong ni US President Donald Trump sa White House ang military dog na si Conan na naging bayani para sa tuluyang mapatay si Islamic leader Abu Bakr al-Baghdadi.

Itinuring ni Trump na isang bayani ang aso dahil sa naging susi ito para tuluyang mapatay ang ISIS leader.

Kasamang sinalubong ni Trump ang aso si Vice President Mike Pence at asawang si Melania Trump.

Magugunitang napatay si Baghdadi sa inilunsad na operasyon ng US kung saan ilang linggo din nila itong minanmanan.

Sa tulong din ng nasabing aso ay pinasok nito ang kuweba kung saan naroon ang ISIS leader.