CAGAYAN DE ORO CITY – Inilunsad ngayon ng pulisya ang malawakang pursuit operation upang agad maaresto ang nasa likod pagtambang patay sa hepe ng High Patrol Group-Lanao del Norte na unang nangyari sa Barangay Pagalungna,Sultan Dumalondong,Lanao del Sur.
Sinabi ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Lt Col Salmad Saad na kinilala ang biktima na si Maj Omar Tago habang patay on the spot ang kasama nito na si Kanor Rascal na lahat naninirahan sa Barangay Ramain,Sultan Naga Dimaporo,Lanao del Norte.
Sugatan rin at nanatili sa pagamutan ang isa pang kasama ng mga biktima na si Adam Dirindigun na nagmual sa Buadi Sucayo,Marawi City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon na dadalo sana si Tago sa pang-apat na araw na death anniversary ng kanilang kaanak nang pinagbabaril ng mga kilalang salarin gamit ang kalibre 45 habang sakay ng sasakyan.
Napuruhan si Rascal habang si Tago ay sa Amai Pakpak Medical Center na binawian ng buhay dahil sa seryosong mga tinamo na mga sugat.
Inaalam pa ng PNP ang motibo kung bakit pinapatay ng mga nakatakas pa na mga suspek ang mga biktima.