-- Advertisements --
Nabawasan pa ang taglay na puwersa ng hangin ng typhoon Henry sa nakalipas na mga oras.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 360 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
May lakas itong 155 kph at may pagbugsong 190 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Ang ibang lugar sa bansa ay apektado naman ng habagat na pinaigting ng umiiral na bagyo.