-- Advertisements --

Kinumpirma ng aktres na si Heaven Peralejo na hiwalay na sila ng aktor na si Marco Gallo.

Sa isang panayam, sinabi ni Heaven na mutual decision ang kanilang paghihiwalay.

“We’re not together anymore. It was a mutual decision to move forward individually,” pahayag ng aktres, na iginiit ding nananatili silang magkaibigan ni Marco.

Ayon kay Heaven, matibay ang pundasyon ng kanilang samahan dahil nagsimula sila bilang magkaibigan. “Before naging kami, we were good friends… iyon ‘yung foundation namin,” aniya.

Pagkatapos ng kanilang paghihiwalay, sinabi rin ni Heaven na masaya siya ngayon at nakatutok sa kanyang bagong proyekto na I Love You Since 1892, kung saan ginagampanan niya ang mga karakter nina Carmela at Carmelita.

Matatandaan na si Heaven at Marco ay unang nagkakilala sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Noong Nobyembre 2024, naging usap-usapan ang kanilang relasyon matapos silang magpalitan ng “I love you” sa social media. Gayunpaman, mas pinili nilang panatilihing pribado ang estado ng kanilang relasyon sa mga sumunod na buwan.

Sa ngayon, si Heaven ay umaasa sa suporta ng kanyang pamilya at matalik na kaibigan para sa kanyang personal na paghilom.