-- Advertisements --

Iginiit ng isang health expert na mahalaga ang papel ng umiiral na Covid-19 state of calamity sa bansa para patuloy na makabili ng mga bakuna kontra sa virus

Paliwanag ni University of the Philippines Philippine General Hospital (UP-PGH) Emergency Medicine Chairman Teodoro “Ted” Herbosa ang maaring magkaroon ng conflict ang bansa sa pag-secure ng mga bakuna dahil sa napakastriktong regulasyon.

Ayon pa kay herbosa na nabigyan lamang ng Emergency Use Authorization ang mga bakuan at gamot dahil nasa state of public health emergency ang bansa.

Ito din ang ginamit ng basehan ng FDA para makapasok ang mga bakuan, antivirals at iba pang mga gamot na maraming buhay na rin ang naisalba.

Kaya naman nagpahayag ng suporta si Herbosa sa panukalang palawigin pa ang covid-19 state of calamityat binigyang diin ang halaga nito sa laban ng bansa kontra sa COVID-19 pandemic.

Aniya, sapat na ang karagdagang tatlong buwan para palawigin ang state of calamity para makita ang sitwasyon ng covid-19 sa bansa kaakibat nito ang pagpapataas pa ng pagbabakuna ng booster dose.

Nakatakdang magpaso ang covid-19 state of calamity sa Setyembre 12 ng kasalukuyang taon.

Nauna na ring inirekomenda ng DOH ang pagpapalawig ng state of calamity kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na posibilidad ng pag0extend nito hangang sa katapusan ng taong 2022.