Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ang bilang ng mga health workers na dinapuan na rin ng COVID-19 sa loob ng nagdaang linggo.
Batay sa ulat, pumalo na ng 8,494 ang bilang ng mga frontliners na may coronavirus disease matapos itong madagdagan ng 1,140 noong Setyembre 12.
Aabot naman ng 7,710 ang total recoveries sa mga health workers ngunit umakyat naman sa 56 ang kabuuang bilang ng mga frontliners na namatay makaraang madagdagan ito ng 16 pa.
728 medical workers naman ang active cases at nagpapagaling na o di kaya naman ay naka-quarantine.
Ayon pa sa daily COVID-19 report ng health department, karamihan sa mga COVID-19 cases na ito ay naitala sa mga nurse na may 2,935 infections, doctors na may 1613, 656 naman sa mga nursing assistants 383 medical technologists at 192 midwives.
Kasama rin sa naturang coronavirus tally ang halos 500 non-medical personnel tulad ng uti;ity workers, security guards at administrative staff.