-- Advertisements --

Naglunsad nang imbestigasyon ang opisyal ng Estados Unidos sa posibleng kaso ng misteryosong karamdaman na Havana syndrome sa US embassy sa Colombia ilang araw bago ang nakatakdang pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken.

Pinaniniwalaang ilang staff ng US embassy sa Bogota, capital ng Colombia ang napaulat na nakaranas ng Havana syndrome na nagdudulot ng sobrang sakit na tunog sa tenga, pagod at hilo.

Tinatayang nasa 200 ang tinamaan ng Havana syndrome na nakaranas ng dizziness at fatigue sa loob ng ilang buwan.

Mahigit kalahati dito ay empleyado ng Central Intelligence Agency (CIA), ang first line of defense ng Amerika.

Noong nakalipas na linggo, nakapagtala ng kaso ng Havana syndrome sa US embassy sa Berlin kung saan ipinangako naman ni US President Joe Biden ang pagtukoy sa pinagmulan ng sakit at kung sino ang nasa likod nito.

Ito ay matapos na lumagda ni Biden ng isang bagong batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa head ng CIA at State Department na magbigay ng financial compensation sa mga US government employees na nakaranas ng Havana syndrome.

Naitala ang unang kaso ng Havana syndrome sa Cuba noong 2016 kung saan ilang US diplomats sa buong mundo ang naiulat na nakaranas ng naturang syndrome.

Hindi pa rin tukoy magpasahanggang ngayon ang origin ng Havana syndrome bagamat may ilang ispekulasyon na isa itong uri ng weapon. (with report from Bombo Everly Rico)